Alapan 1 ES: Handa na para sa Limited Face to Face Classes

Ang pagpapanatiling sa mahusay at maayos na pag-aaral ng bawat Batang Alapeño ay isa sa pinakamahalagang regalong maihahandog ng paaralan. Sa pagsisikap ng bawat guro, pamunuan ng paaralan at ibang kawani nito, Kagawaran ng Edukasyon- Lungsod ng Imus at ng mga magulang, naihanda natin ang ating paaralan para sa pagbubukas ng Limited Face to Face Classes. Makikita natin sa mga larawang nasa ibaba ang kahandaan ng mga silid-aralan mula sa Kindergarten hanggang Ikaanim na Baitang.

https://youtu.be/jiJOw6a7L6I

Naging mabilis ang pag-aksyon ng bawat guro at kawani ng paaralan para masayos ang buong paaralan ayon sa mga pamantayang inilatag ng Kagawaran ng Edukasyon para sa ganitong uri ng pag-aaral sa panahon ng Pandemya. Ang bawat silid-aralan ay may nakalaang upuan at lamesa na may layong 1-2 metro sa bawat isa. Matatagpuan din sa bawat sulok ng paaralan ang iba’t ibang palandaan at paalala para mapanatili ang pag-iingat mula sa COVID-19. Nagkaroon din ng maayos na pagpaplano sa mga dapat gawin para sa karagdagang pag-iingat at pagtugon sa pagkakataong magkaroon ng sintomas ang sinumang bata, magulang o gurong kaagapay sa Limited Face to Face Classes.

https://youtu.be/Ju9xmxyQGuo

Watch: Galaw Pilipinas: Calisthenics Exercise Program

Ang pagbibigay buhay sa kwentong ito ay bahagi ng mas pinalawak na pagtuturo ng Alapan 1 Elementary School. Ginagamit ang ganitong pamamaraan bilang kampanya na bahagi ng BaBiBu at Sulong EduKalidad ng Kagawaran ng Edukasyon at Dibisyon ng Lungsod ng Imus.

SRI 2025

Read: About the Value of Education and Training in the country’s development

Perhaps the most pressing challenges the school faces are that of ensuring that all learners become competent readers. Learners who experienced problems in reading quickly fall behind their more skilled classmates in their ability to decode and comprehend text. The initiative is in response to the rapidly changing learning environment of present and future learners and will introduce aggressive reforms to globalize the quality of basic education in the Philippines.

Scroll to Top