Menu Close

7.3 Magnitude na Lindol yumanig sa Luzon

7.3 Magnitude na Lindol yumanig sa Luzon – Alapan 1 Elementary School

Isang nakakagulat ng balita ng pagyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Lagangilang Abra ngayong ika-27 ng Hulyo, 2022. Ayon sa PHIVOLCS , natukoy ang epicenter ng lindol dalawang kilometro hilagang silangan ng nabanggit na lalawigan kaninang 8:43 ng umaga .

May lalim na 25 kilometers ang naturang pagyanig na tectonic ang pinagmulan. Ang paglindol na ito ay naramdaman sa iba’t ibang panig ng bansa. Gayundin, kahit sa mga karatig bansa ay naramdaman ang naturang lindol.

Damage Assessment | Lindol na yumanig sa Luzon ngayong July 27, 2022

Sa lakas ng lindol naramdaman ang Intensity IV sa Quezon city.

Babala ng ahensya posibleng makaranas ng aftershocks matapos maitala ang naturang lindol.

Maglalabas ng karagdagang impormasyon ang ating paaralan ukol sa nangyaring lindol at ang mga naging aksyon ng pag-iingat na atin pinatupad.

Watch: Galaw Pilipinas: Calisthenics Exercise Program

Sabay na gumalaw paakyat ng bundok ang magkalaban. Mabilis na tumalun-talon ang mayabang na Kuneho paitaas na parang hangin sa bilis. Nang marating na niya ang kalahatian ng bundok at lumingon paibaba ay natanawan niya ang umiisud-isod na kalaban. Maraming naawa sa mabagal na Pagong.

“Kaya mo yan! Kaya mo yan!” pagpapalakas ng loob na sigaw ng kaniyang tatay, nanay, kuya, ate, at mga pinsan.
“Talo na yan! Talo na yan! Pagkabagal-bagal!” sigaw na panunudyo ng mga kamag-anak ni Kuneho.
Kahit kinukutya ay sumige pa rin si Pagong. Buong loob siyang nagpatuloy sa pag-isod.

Leave Comments Here