COVID-19 Health Care Pack

Mga Mommies at Daddies! Suportahan natin ang ating GPTA SY 2020-2021

Noong nakaraang buwan ay nagsagawa po tayo ng proyektong pagpapaganda ng ating Modular Learning Hub Classrooms kaya po tayo ay nagpintura ng mga Rubberized Paints sa mga sahig nito hanggang sa hallway. Ito po ay upang mas mapaganda natin at maging mas competitive ang ating mga Modular Learning Hub na kalahok sa nagaganap na kompetisyon ng DEPED.
Upang matugunan po natin ang mga pangangailangan para sa mas malawak na pagtulong sa paaralan. Ang GPTA ay hinihingi po ang inyong kooperasyon at tulong upang mabenta ang mga COVID-19 Health Care Pack sa halagang Php 100 lamang. Ang inyong pakikiisa sa proyektong ito ay mabibigay ng kakayahan sa ating GPTA upang maipagpatuloy nila ang magagandang programa para sa ikakabuti ng paaralan. Para sa mga karagdagang detalye, makipag-ugnayan lamang sa guro ng inyong anak o sa ating paaralan:

Phone: (46) 471-2282
Email: admin@alapan1es.com

SHARE THIS PAGE!

Address

Alapan 1B, Imus, Cavite
Philippines

Contacts

Email: admin@alapan1es.online    
Phone:  (46) 471-2282

Mobirise website creator - Go now