Sana Ay Mahalin Mo Rin Ako (April Boy)
Himig Bulilit (Intermedya)
Buwan ng Wika 2024
Richmond Gabriel J. Gabayan
6- Integrity
Gurong Tagapayo: Gng. Remedios Q. Panganiban
SDO Imus City:
SDS: Dr. Homer N. Mendoza
ASDS: Dr. Ivan Brian L. Inductivo
Alapan 1 Elementary School (107980)
Principal: G. Christian Mespher Hernandez
Filipino Reading Coor: G. Van Chistrian Dueñas
ICT Unit:
Alvin L. Bedes
Niño Christian A. Montoya
For more content like this, visit www.alapan1es.com/eduwatch/
Sana Ay Mahalin Mo Rin Ako (April Boy) | Himig Bulilit – Buwan ng Wika 2024
Watch: Galaw Pilipinas: Calisthenics Exercise Program
Ganap nang naisara ng Paaralang Elementarya ng Alapan Uno ang Palatuntunan ng Buwan ng Wikang Pambansa 2024 “Filipino: Wikang Mapagpalaya” , matapos na ito’y maka ilang ulit na ipinagpaliban dahil sa masungit na panahong dala ni Bagyong Enteng. Naghiyawan ang madla nang simulan silang haranahin ng mga kalahok ng Grand Finals – Himig Bulilit 2024, na siya ring naging highlight ng aktibidad.
Nagpamalas din ng husay at talento ang iba pang batang Alapenyo sa ibat ibang patimpalak na talaga namang kinagiliwan ng mga manonood. Naipakita din ang bayanihan at kultura ng pagbibigayan sa mga nakahain na mga katutubong pagkain sa “Mga Dampa” ng bawat baitang.
Ang Buwan ng Wika ng Pilipinas, na ipinagdiriwang tuwing Agosto, ay isang mahalagang pagdiriwang na layuning itaguyod at pasiglahin ang paggamit ng wikang Filipino. Sa buwang ito, isinasagawa ang iba’t ibang mga aktibidad tulad ng mga paligsahan sa pagsulat, pagsasalita, at mga pagganap ng kulturang Pilipino upang higit pang mapalaganap ang pagmamalaki sa sariling wika at kultura. Ang pagdiriwang ay naglalayong ipakita ang kahalagahan ng wika sa pagbuo ng pagkakakilanlan ng bansa at sa pagpapayaman ng ating kultura.