Dalawang Pampublikong Paaralan tiningnan ang Limited Face-to-Face Classes ng Alapan 1 ES

Dapat na nga bang ibalik ang Face-to-Face Classes? Ano ang aasahan natin sa pagbabalik ng mga mag-aaral sa kanilang silid-aralan? Ang Kagawaran ng Edukasyon – Lungsod ng Imus ay nagsisikap na mapabilis ang pagbabalik ng ganitong uri ng pag-aaral na hindi nasasakripisyo ang kalusugan ng bawat bata, magulang, guro at iba pang kawani ng mga paaralan. Kaya makikita natin sa mga paaralang naglunsad ng Limited Face-to-Face Classes sa Lungsod ng Imus ang maigting na pag-iingat laban sa COVID-19. Isa na rito ang mahigpit na pagpapatupad ng mga patakarang inilatag ng IATF tulad ng pagpapanatiling ng social distancing at ang pag-disinfect sa mga maaaring pamahayan ng virus.

Ang mga pag-iingat na ito ang siyang pinagsikapang mapanatili ng Paaralang Elementarya ng Alapan Uno sa kanilang ginawang paghahanda sa Limited Face-to-Face Classes. Masasabi ngang hindi ganun kadali ang mga bagay na kailangan pagdaanan ng bawat paaralan at ng mga guro para rito. Pero sa kabila nito, noong ika-14 ng Pebro, 2022 ay matagumpay na nakapagsimula ang Alapan 1 ES sa Limited Face-to-Face Classes. Mababatid sa mukha ng mga bata ang pagkasabik na muling matuto sa loob ng silid-aran makalipas ang higit 2 taon. “Nakakapanindig-balahibo at kakaiyak sa tuwa na makitang muli ang mga estudyante ng Alapan Uno”, ang naging komento ng ating Guidance Councelor, Marlyn C. Alegro.

Naging bukas rin ang Alapan 1 ES sa ibang paaralan na gustong masilayan ang mga naging paghahanda para sa ganitong uri ng pagtuturo sa panahon hindi pa rin nawawala ang COVID-19. Noon lamang nakaraang linggo, malugod na tinanggap ng ating paaralan ang mga guro ng Anabu 2 Elementary School at Bayan Luma 1 Elementary School para sa kanilang benchmarking. Isa itong pagkakataon upang mapakita sa ating kasamahan sa Kagawaran ng Edukasyon ang kinakailangan pagsisikap para sa Limited Face-to-Face Classes. Masayang pinakita sa kanila ang bawat silid-aralan na ginagamit ng mga bata, kasama na ang mga kinakailangang pagbabago sa pasilidad ng paaralan. Binigyan din sila ng ilang mungkahi ng ating punong guro, Dr. Divina Narvaez, sa mga dapat tandaan para naging maayos ang paghahanda ng dalawang nasabing paaralan. Sa benchmarking na ito ibinahagi ng pamunuan ng Alapan 1 ES ang mga kinailangan dokumento, paghahanda, pagsasanay sa mga guro at pagbabago sa ilang polisiya ng paaralan para sa Face-to-Face Classes. Umaasa ang Kagawaran ng Edukasyon – Lungsod ng Imus na maging tuluy-tuloy na ang pagbubukas ng mga paaralan sa pisikal na pagtuto sa mga bata.

Mga guro ng Anabu 1 Elementary School kasama ang ating Punong Guro, Dr. Divina Narvaez sa pag-iikot sa bawat silid-aralan ng Face-to-Face Classes
Mga guro ng Bayanluma 1 Elementary School sa Kasama ang ating Punong Guro, Dr. Divina Narvaez, at ilang sa masispag na guro ng Alapan 1 ES
This post was proofread by Grammarly
Scroll to Top