Sa unang dalawang taon ng COVID-19 Pandemic sa ating bansa, ang mga mag-aaral ay hindi pinahihintulutang lumabas sa kanilang tahanan dahil sa mas mataas na posibilidad na magkaroon ng impeksyon. Ang paghihigpit na ito ay nagresulta sa limitadong paggalaw nila lalo na ang pagpunta sa mga lugar para sa bata tulad ng palaruan at parke. Upang matugunan ang pangangailangan para sa sapat na ehersisyo na hindi nangangailangan pang pagpunta sa labas, ang Department of Education ay naglunsad ng national calisthenics exercise program ang “Galaw Pilipinas”.
Ang “Galaw Pilipinas” ay isang apat-na-minutong gawaing pang-calisthenics na mag-aambag sa 60 minuto ng katamtamang pisikal na aktibidad na inimumungkahi araw-araw para sa mga batang lima hanggang labing pitong taong gulang. Magiging bahagi ito ng pang-araw-araw na gawain sa mga paaralan. “Ang ating papel sa pagtataguyod ng kalusugan ng katawan at malusog na pamumuhay sa ating mga mag-aaral ay naging mas napapanahon at mahalaga,” sabi ng Kalihim ng Edukasyon, Leonor Briones.
Bilang pagtugon sa programang ito, ang Alapan 1 Elementary School ay nagkaroon rin ng malawakan paghikayat sa bawat mag-aaral at klase upang makiisa. Agaran naman tumugon ang ating mga guro sa programang ito, at kasama silang sumasayaw sa kanilang klase.