Good News, Alapan 1 ES new School Health Clinic begins construction

School Health Clinic – Alapan 1 Elementary School

Laging binibigyang-diin ng Department of Education ang patakaran nito sa New Normal, “Unahin ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga mag-aaral, magulang, guro at iba pang mga empleyado”, ayon sa opisyal nilang pahayag. Ang patakarang ito ay dapat naging batay ng lahat ng mga programa ng ating paaralan. Sa mga pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto, nakikitang ang pandemya ay maaari pa rin manatili sa mga susunod na taon. Sa paglaganap ng COVID-19 ay nakita natin ang napapanahong pasasaayos ng pasilidad para sa kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral sa loob ng kanilang itinuturing na pangalawang tahanan

Matatandaan na noong nakaraang ika-14 ng Pebro, 2022 ay nagsimula na sa pagtuturo ang Alapan 1 Elementary School gamit ang Limited Face-to-Face Learning. Kasunod nito, sa pagsisikap ng ating Punong Guro Dr. Divina Narvaez, ang ating paaralan ay nagkaroon ng agarang aksyon para mapagawa ang bago nitong School Health Clinic. Ito ay kakailangan upang mas lalo pang mapalakas ang ating paglaban at pag-iingat sa pandemya. Sa pagsisimula ng Marso, nagkaroon ng pagbisita ang mga kawani ng DepEd Imus City – Physical Facilities Unit noong ika-8 ng nasabing buwan. Ang pagbisitang ito ay para sa masusing pagsusuri sa pagtatayo ng nasabing pasilidad na malapit sa ating covered court.

Ito ay pinangunahan ng ating masipag na SDOIC-Physical Facilities Coordinator, Ronnie B. Yohan (Education Program Specialist IV) kasama ang Senior Technical Assistant 1, Jay Darious M. Montealegre (Engineer 1). Ang layunin ng kanilang ginawang inspeksyon ay tiyaking nasa tamang pamantayan ang pagtatayo ng ating School Health Clinic.

Leave Comments Here

Scroll to Top