2nd Gawad Bida – Schools Division of Imus City
Ang dedikasyon ng ating mga guro ay mapapatunayan sa ginawang pagpaparangal sa kanila ng ating Karagawaran ng Edukasyon – Lungsod ng Imus. Noong nakaraang ika-18 ng Marso, 2022, isa ang ating paaralan sa tumanggad ng iba’t ibang karangalan sa ginanap na 2nd Gawad Bida “Bayanihang Imuseño Damayang Areglado” sa Gen. Emilio Aguinaldo National High School. Pagdiriwang sa husay ng mga guro, mag-aaral at kawani ng SDOIC na dinaluhan ng mga pararangalan mula sa iba’t ibang paaralan.
Isa ang “Best Information and Communication Technology (ICT) Implementer” sa mga pagkilalang natanggap ng Alapan 1 Elementary School sa nasabing pagpaparangal sa mga natatanging paaralan sa Lungsod ng Imus. Ang karangang nakamit ng ating paaralan ay siyang saksi sa nangingibabaw na husay ng guro at batang Alapenyo. Ang naturang pagkilala ay tinanggap ng ating Punong Guro, Dr. Divina Narvaez kasama ang bumubuo sa ating ICT na sina Mr. Vittorio Samson (ICT Coordinator) at Mr. Alvin Bedes (LMS Coordinator). Mababakas sa kanilang mukha ang saya sa pagkilalang natanggap, kapalit ng mga saktripisyo at pagsisikap na kanilang ipinamalas sa larangan ng ICT. Tulad ng sinabi ng ating Schools Division Superintendent, Dr. Rose Marie Torres “Isang pagpupugay sa husay at dedikasyon ng ating mga natatanging guro at paaralan na nagbigay ng mas mataas na pagkilala sa ating dibisyon”.








Ang sartipikong ating natanggap ay patunay ng pagsisikap para sa mas maayos at produktibong paggamit ng ICT. Simula sa mahusay na pagpapatupad ng DepEd Computerization Program sa ating paaralan hanggang sa mas aktibong pagbabahagi ng impormasyon gamit ang school website at social medias. Ang mga ganitong pagkilala ay magbibigay inspirasyon sa ating paaralan at mga guro upang mas lalong paghusayan ang mga programa para sa kalidad na edukasyon. Pagpapahusay na siyang magiging daan para sa epektibong pagkatuto ng ating mga mag-aaral. Sapagkat, ang mga ganitong parangal ay nararapat sa ating mga guro na walang sawang nagtuturo ng may kahusayan at pagmamahal sa Batang Alapenyo.