Best Limited Face to Face Classes Implementer nakuha ng Alapan 1 ES: 2nd Gawad Bida

Best Limited Face to Face Classes Implementer – Alapan 1 Elementary School

“Isang pagkakataon para bigyang pagpupugay sa ating mga stakeholder at edukador na nagpamalas ng galing at dedikasyon na siyang nagbigay ng mas mataas na karangalan sa ating dibisyon sa rehiyon, national, at international na intablado ang isang sa naging pambungad na pagbati ng ating Schools Division Superintendent Dr. Rose Marie Torres sa ginanap na 2nd Gawad Bida. Sa programang ito binigyang pagkilala ang mga natatanging paaralan, guro at mag-aaral sa kanilang pagpapamalas ng kahusayan sa iba’t ibang larangan.

Ang 2nd Gawad Bida ay ginanap sa Gen. Emilio Aguinaldo National High School na mayroong temang “Collaboration of Educators and Stakeholders: Key to Nurturing Academic Resilience, Sustainability and Excellence.” Ito ay dinaluhan ng lahat ng kawani ng dibisyon at ang mga natatanging guro na pararangalan. Masasabing isang payak ngunit makabuluhang pagpupugay sa walang sawang pagseserbisyong ng ating mahuhusay na kasamang guro sa dibisyon. Makikita sa mga ganitong pagtititpon ang kagustuhan ng ating dibisyon na mabigyan ng sapat na pagkilala ang galing bawat paaralan at guro. Isa sa mga nabigyan ng pagkilala bilang “Best Limited Face-to-Face Classes Implementer” ay ang ating paaralan, ang Alapan 1 Elementary School.

Walang Pasok February 16-18

https://youtu.be/XFvMhXIpDh0

Ang parangal na ito ay tinanggap ng atin Punong Guro, Dr. Divina Narvaez kasama ang ating Face-to-Face Classes Lead Focal Person, Mr. Arly Flores. Sa pagkilalang ito nabigyan ng halaga ang lahat ng pagsisikap at sakripisyo ng ating mga guro upang matagumpay na masimulan ang Limited Face-to-Face Classes. Matatandaan na sa nakaraang buwan ng Enero, naging abala ang lahat ng kawani at guro ng Alapan 1 Elementary School para sa Limited Face-to-Face na nagsimula noong ika-14 ng Pebrero, 2022.

Sa pagtanggap na parangal ng para sa ating paaralan, agad namang nagpasalamat si Mr. Flores sa lahat ng guro lalo’t higit kina Ms. Marylyn Alegro, Ms. Marilou Rosario, Ms. Ma. Nelia Mariano na kanyang kasama bilang Focal Persons. Ang pagkilalang ito ang magiging daan para sa mas mahusay at mas ligtas na pagsasagawa ng Face-to-Face Classes sa ating paaralan.

Scroll to Top