Libreng WiFi sa Probinsya ng Cavite – Alapan 1 Elementary School
Ngayong pandemya, isang hamon sa ating lahat ang pagkakaroon ng sapat at maayos na internet connection na kinakailangan sa pag-aaral, trabaho at iba pang mga gawain. Upang tulungan ang ating mga guro, mag-aaral at iba pang stakeholders na lubos na maunawaan ang tamang paggamit ng LINKod Kabitenyo Free WiFi, ginawa ng ating School ICT ang mga payak na gabay na ito.
Ayon sa opisyal na website ng LINKod Kabitenyo, ito ay isang programang naglalayong bigyan ng libreng internet connection ang mga Caviteños. Ang libreng WiFi na ito ay maaring magamit ng sino mang naaabot ng LINKod Kabitenyo WiFi Hotspots. Kadalasan, ang mga Hotspots na ito ay matatagpuan sa mga pampublikong lugar tulad ng Barangay Hall at pampublikong paaralan. Para makita kung may malapit na LINKod Kabitenyo WiFi sa inyong lugar, bisitahin lamang ang website ng nasabing programa.
Ang LINKod Kabitenyo ay mayroong dalawang uri ng WiFi services na maaari mong nagamit.
1. LINKod Kabitenyo Public – Ito ay maaaring makagamit ninuman sa loob ng isang oras araw-araw. Madali lang gamitin ang serbisyong ito, buksang lamang ang WiFi connection sa inyong device at hanapin ang LINKod Kabitenyo Public. Ang iyong device ay awtomatikong mabubukas ng browser para sa pag-login, sundan lamang ang proseso sa ibaba.


2. LINKod Kabitenyo – Ang libreng WiFi service naman na ito ay para sa mga registered users ngunit magagamit nang mas mahabang oras. Ang registered users ay maaaring magamit ito sa loob ng apat na oras kung mag-aaral at 8 oras naman para sa mga guro, kawani ng pamahalan, at mga pribadong manggagawa. Para magamit ito, nangangailangan muna na mag-register sa kanilang webite (https://www.linkodkabitenyo.cavite.gov.ph/registration/).
Matapos nakapag-register, maaaring abutin ng dalawang araw bago makatanggap ng email na naglalaman ng voucher code na gagamitin para sa LINKod Kabitenyo. Sa oras na matanggap na ang iyong voucher code, maaari na itong gamitin tuwing kokonekta sa nasabing libreng WiFi. Sundan ang mga hakbang sa ibaba para sa tamang paggamit ng iyong voucher code.


Taking two steps forward, the Provincial Government of Cavite proudly presents LINKod Kabitenyo—a public WiFi service for more than 600,000 students, 3.6 million Caviteños, and visitors who travel to Cavite every day. Get connected with the world, make learning more fun, work from the comfort of your homes, and many more!
LINKod Kabitenyo! Empowering People and Communities.
(Source: LINKod Kabitenyo – Smart City (cavite.gov.ph))

