Mga Hakbang at Paraan sa Unang Pagbasa cum Reading Workshop: Dedikasyon ng Gurong Alapenyo

Reading Workshop – Alapan 1 Elementary School

Isang napakahalagang panimula ng mas epektibong pagkatuto ng bawat bata ang kakayahan sa pagbabasa. Ang pagtuturo nito kasama na ang pagkilala sa bawat letra at pagbigkas sa mga tunog ay mas nakatuon sa ating kaguruan sa Kindergarten hanggang ika-3 Baitang. Ayon na rin sa pagsisikap ng Kagawaran ng Edukasyon na makamit ang mas mataas na bilang ng mga batang marunong magbasa, naglunsad sila ng iba’t ibang programa, kampanya at inisyatibo. Isa ng mga inisyatibong ito ang Hamon: Bawat Bata Bumaba (3Bs) na nagsimula noong ika-25 ng Nobyembre 2019. “Ito ang pinakauna natin dapat gawin, kasi we can never pursue quality education if the kids do not know how to read. This is the basic tool for lifelong learning. We will never expect a Filipino or any human being to continue to learn without actually being equipped with the fundamental reading skill,” pagpapaliwanag ni Usec. San Antonio.

Bilang pagtugon sa mga hakbang na ito ng Kagawaran, sa Paaralang Elementarya ng Alapan Uno ay nagsisikap na sanayin at turuan natin ang mga mag-aaral upang makapagbasa. Una na rito ang pagbuo ng iba’t ibang Early Language, Literacy and Numeracy (ELLN) Interventions sa pangunguna ng ating ELLN Coordinator, Ms. Meriam Suarez. Ang mga ito ay makakatulong sa mas pinaigting na pagkatuto ng mga bata sa pagbilang at pagbasa.

Upang mas epektibong maisakatuparan ang mga intervention activities na ito, nagkaroon ang ating mga guro na pagsasanay sa tamang hakbang sa unang pagbasa. Sa pagsasanay na ito “Mga Hakbang at Paraan sa Unang Pagbasa cum Reading Workshop” ay inimbitahan ang ating Dalubhasang Guro na si Gng. Ma. Nelia G. Mariano upang maging tagapagsalita. Sa pagbibigay ng kaalaman ng ating tagapagsalita ay natutunan ng mga kalahok ang tamang pagbigkas ng tunog ng bawat letra. Itinuro din niya ang tamang paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagpapabasa ng mga bata tulad ng Marungko Approach. Sa kabuoan, dapat makita natin na hindi lamang ang kasanay ng bata na makapagbigkas ng mga letra o salita ang siyang mahalaga kundi ang maintindihan ito.

Walang Pasok February 16-18

Scroll to Top