Sinu-sino ang Hindi na Kwalipikado sa DSWD Educational Cash Assistance

Mga Kwalipikado at Hindi Kwalipikado sa DSWD Educational Cash Assistance – Alapan 1 Elementary School

Noong nakaraang Agosto 20, 2022, nagsimula nang mamahagi ang Department of Social Welfare and Development ng kanilang tulong sa mga mag-aaral ngayong taon. Ayon sa pahayag ni Social Welfare Secretary Tulfo na handa ang DSWD sa kanilang ipamimigay ng kanilang Educational Cash Assistance sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS). Ang Educational Assistance ng DSWD ay ibibigay sa mga mag-aaral ng Elementarya, High School at Kolehiyo.

Sinabi rin niya na ang ganitong pamimigay ng Educational Cash Assistance ay gagawin sa mga susunod pang sabado, Agosto 27, Setyembre 3, 10, 17 at 24.

“Magsisimula ang Educational Assistance payout dito sa Central Office ng Kagawaran sa darating na Sabado, ika-20 ng Agosto 2022 at sa mga susunod na Sabado – Agosto 27, Setyembre 3, 10, 17 at 24, mula alas-7 ng umaga.” pahayag ni Sec. Tulfo sa isang Facebook post.

Ngunit sa hindi inaasahan, hindi naging maayos ang pagsisimula ng pamamahagi ng Educational Cash Assistance dulot ng dami ng gustong makatanggap ng tulong. Maraming magulang at mag-aaral ang pumila sa mga tanggapan ng DSWD sa iba’t ibang Rehiyon sa bansa.

Also See: Online Registration o Application para sa DSWD Educational Cash Assitance

Dahil dito nagbigay ng ilang paglilinaw si Secretary Tulfo tungkol sa DSWD Educational Cash Assistance. Isa na rito ang tanong kung sinu-sino nga ba ang mga makakatanggap ng tulong na ito.

Mga Kwalipikado sa DSWD Educational Cash Assistance

Ang mga mag-aaral na maaaring makatanggap nito ay ang mga sumusunod:

  • breadwinners,
  • working students,
  • Ulila o inabandona na nakikitira sa kamag-anak
  • anak ng solo parents,
  • walang trabaho ang magulang
  • anak ng OFWs,
  • anak ng biktima ng HIV
  • biktima ng pang-aabuso
  • biktima ng sakuna o kalamidad

Mga Hindi na Kwalipikado sa DSWD Educational Assistance

  • Benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)
  • Mag-aaral na kasalukuyang kabilang sa anumang Scholarship Program ng National o Local Government

Leave Comments Here

Scroll to Top