Alapan 1 ES, nagsimula na ng Face to Face Classes

Mababakas sa mukha ng bawat batang Alapenyo na pumapasok sa paaralan ngayong araw ang kanilang pagkasabik na muling matuto sa pamamagitan ng face-to-face learning. Naging mahaba at mahirap ang paghahada ng ating paaralan para muli makapagsagawa ng ganitong uri ng pagtuturo sa panahong tayo’y unti-unti nang bumabalik sa dati. Ang programang ito ng ating paaralan sa patnubay ng SDO Imus City at ng DepEd Region IV-A ay inaasang magpapatuloy upang makabalik na ang lahat ng bata sa face-to-face learning.

Ang expanded limited face-to-face classes ay mayroong lamang isang seksyon sa bawat baitang upang magsunod pa rin ang mga pag-iingat sa COVID-19. Binubuo lamang ng 6 hanggang 10 bata ang bawat klase sa araw na ito para mapanatili ang social distancing. Subalit inaasahan na madadagdagan ang mga bilang na ito sa mga darating na mga linggo ayon na rin sa kalalabasan itong ating panimula.

Subaybayan natin ang nagaganap na live coverage ng ating face-to-face classes sa tulong ng ating ICT at mga kaguruan sa pangunguna ng ating principal, Dr. Divina Narvaez.

Watch: Galaw Pilipinas: Calisthenics Exercise Program

Ang pagbibigay buhay sa kwentong ito ay bahagi ng mas pinalawak na pagtuturo ng Alapan 1 Elementary School. Ginagamit ang ganitong pamamaraan bilang kampanya na bahagi ng BaBiBu at Sulong EduKalidad ng Kagawaran ng Edukasyon at Dibisyon ng Lungsod ng Imus.

Read: About the Value of Education and Training in the country’s development

Perhaps the most pressing challenges the school faces are that of ensuring that all learners become competent readers. Learners who experienced problems in reading quickly fall behind their more skilled classmates in their ability to decode and comprehend text. The initiative is in response to the rapidly changing learning environment of present and future learners and will introduce aggressive reforms to globalize the quality of basic education in the Philippines.

Leave Comments Here

Scroll to Top