Malagasang 2 Elementary School, bumisita sa Alapan 1 ES para sa paghahanda sa Limited Face-to-Face

Malagasang 2 Elementary School Face-to-Face

Masasabing isa sa pinakaaantay ng mga bata at magulang ang pagbabalik ng Face-to-Face Classes ngunit napapanahon na nga ba ito? Bago tuluyang makabalik sa nakasanayan uri ng pagkatuto ng mga bata, na ngangailang ito na masusing paghahanda ng paaralan. Sa mga nakaraang buwan, unti-unti nang binubuksan ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga pampublikong paaralan sa limitadong Face-to-Face Classes, ayon sa DM No. 71 s. 2021 “PREPARATIONS FOR THE PILOT FACE-TO-FACE, EXPANSION AND TRANSITIONING TO NEW NORMAL”.

Sa Lungsod ng Imus, nauna nang nagkaroon ng ganitong pagtuturo ang Gov. D. M. Camerino Elementary School na siyang naging inpirasyon ng iba pang paaralan sa lungsod. Sa pagsisikap ng Dibisyon ng Imus – Kagawaran ng Edukasyon, nadagdagan pa ang mga paaralan naisali sa Expanded Limited Face-to-Fcae Classes. Isa sa mga paaralang ito ang Alapan 1 Elementary School na nagsimula noong ika-14 ng Pebrero, 2022. Ang tagumpay ng Alapan 1 ES sa pagpapatupad ng ganito uri ng pagkatuto sa mga bata ang siyang binuksan sa iba pang paaralan na naghahanda na rin para sa Limited Face-to-Face Classes.

Noon lamang nakaraang ika-1 ng Marso, 2022, ay bumisita ang Malagasang 2 Elementary School sa atin paaralan para sa benchmarking. Sa pangunguna ng kanilang Punong Guro, Jocelyn A. Limosinero at dalawampu pang guro, ay ipinakita sa kanila ng ating Guidance Teacher, Ms. Marlyn Alegro ang bawat silid para sa Limited Face-to-Face Classes. Sa kanilang paglilibot marami silang nakuhang ideya sa kung papaano ihahanda ang kanilang paaralan para sa ganito pagtuturo.

Matapos ang ilang oras na pag-iikot sa buong paaralan, inimbitahan ng ating Punong Guro, Divina A. Narvaez sa silid ng School-Based Management (SBM) upang magbigyan pagtalakay ang mga ginawang paghahanda ng Alapan 1 ES sa Limited Face-to-Face Classes. Unang nagbigay ng pagbati ang ating Punong Guro na sinundan ng pagbabahagi niya ng iba’t ibang hamon na pinagdaan ang Alapan 1 ES upang mapagtagumpayan ang Limited Face-to-Face Classes. “Isang hamon para sa amin ang ganitong pagtuturo kasama na ang pagtitiyak sa kaligtasan ng bawat mag-aaral laban sa COVID-19.” ang isa sa mga nabanggit ng ating Punong Guro, Dr. Divina Narvaez.

Nabigyan din ng pagkakataon ang ating Lead Focal Person, Mr. Arly Flores na talakayin ang mga paghahandang hinihingi ng DepEd at Department of Health ayon sa Joint Memorandum Circular No. 1 s. 2021 na may pamagat na “Operational Guidelines on the Implementation of Limited Face-to-Face Learning Modality. Tinalakay naman ng isa sa ating Focal Person ng Limited Face-to-Face Learning, Ms. Marilou Rosario, ang oras ng pagpasok at paglabas ng mga bata sa paaralan upang maiwasan ang pagkakaroon ng kumpulan ng mga ito.

Pagbibigay ng Sertipiko ng Pagkilala ni Jocelyn Limosinero, Pincipal IV sa ating Paaralan, Punong Guro at mga natatanging Guro

Ang huling nagbahagi ng mga dapat paghandaan para Limited Face-to-Face Classes ay tinalakay ng ating School Health Officer, Ms. Ma. Nelia Mariano na umikot sa iba’t ibang gabay na may kaugnayan sa tamang pagpapanatili na kalinisan at proteksyon laban sa COVID-19. “Talagang umiikot ako tuwing hapon sa mga silid, kung wala na ang mga bata, upang siguraduhin ang kalinisan ng bawat sulok nito kasama na ang palikuran” ang isa sa naging pahayag niya.

Scroll to Top