DepEd Galaw Pilipinas: Gurong Alapenyo sa Galaw ay Ganado

DepEd Galaw Pilipinas (National Calisthenics Exercise Program) – Alapan 1 Elementary School

Noong nakaraang ika-23 ng Pebro, 2022 nagpalabas ng opisyal na pahayag ang ating DepEd‘s Secretary Leonor Magtolis Briones, “The Department developed Galaw Pilipinas as a response to the impact of the pandemic to our learners’ reduced physical activities that affected their overall health. Our role in promoting physical fitness and a healthy lifestyle among our learners has become even more relevant and essential. One avenue of promoting physical fitness among learners is by doing calisthenics”. Ang programang ito ay para mahubog sa ating mga mag-aaral, guro at iba pang kasapi ng Kagawaran ang aktibong pangangatawan.

Ano nga ba ang DepEd Galaw Pilipinas?

Ang DepEd Galaw Pilipinas ay isang apat-na-minutong pangkalistenikong ehersisyo na mag-aambag sa 60 minuto na katamtaman hanggang masigla pisikal na aktibidad na minumungkahi sa araw-araw para sa mga bata ng 5-17 taong gulang. Ito ay payak na mga ehersisyong nakabatay sa mga katutubong sayaw, pangkulturang pagdiriwang at mga kasanayan sa arnis. Ang pangkalistenikong ehersisyong ito ay inimumungkahing gawin na bahagi ng pagsisimula ng klase sa araw-araw. Inaasahan din na gagawin ang ehersisyong ito sa seremonya ng pagtataas at pagbaba ng watawat sa mga paaralan na nagpapatupad ng limitadong face-to-face na klase.

Bilang pakikiisa sa Galaw Pilipinas, gumawang ang ating paaralan ng isang natatanging video presentation na nilahukan ng ilan sa ating mga natatanging guro at kawani. Ito ay para hikayatin ang ating mga mag-aaral sa mas aktibong pakikibahagi sa nasabing ehersisyo. Ipinapakita sa video na ito ang lahat ng bahagi sa pagsasagawa ng DepEd Galaw Pilipinas.

Ang video presentation na ito ay pinangunahan ng ating mga gurong magagaling sa sayaw na sina Mr. Arly V. Flores (Master Teacher 1) at Mr. Van Christian Dueñas (Teacher III). Ito ay maaaring magamit sa pagpapasagawa ng Galaw Pilipinas ng ating mga guro sa kani-kanilang klase. Inaasahan ng ating paaralan ang tuloy-tuloy ng pakikiisa ng ating mga mag-aaral upang maabot natin ang inaasahang resulta ng Kagawaran sa programang ito.

Nagustuhan mo ba ang video na ito? Maaari mo itong ma-download at mag-iwan kana rin ng komento sa ibaba.

This post was proofread by Grammarly
Scroll to Top