Tara, i-Zumba Natin ‘Yan JUANA!: National Women’s Month

National Women’s Month – Alapan 1 Elementary School

Sa buwan ng Marso ipinagdiriwang natin ang National Women’s Month para bigyang pagkilala ang ating mga kababaihan sa kanilang kontribusyon sa ating lipunan. Kaugnay nito, nagkaroon ang ating paaralan ng iba’t ibang gawain upang makiisa sa pagdiriwang na ito. Isa na rito ang paghikayat sa ating mga guro at ibang kawani ng paaralan na magsuot ng GAD (Gender and Development) Polo-shirt Uniform. Nagkaroon din ng panimulang programa na ginanap noong nakaraang ika-7 ng Marso kasabay ng buwanang seremonya ng pagtataas ng watawat. Ang panimulang programang ito ay pinangunahan ng isa sa ating masipag na guro, Ms. Vanessa Malat, na nagbigay ng ilang paalala sa mga inaasahang programa para sa pagdiriwang na ito.

Nakiisa rin ang ating mga kaguro sa ginawang zumba dance activity ng ating paaralan noong ika-30 ng Marso bilang bahagi pa rin ng National Women’s Month Celebration. Ganadong nakihataw ang ating mga guro at kawani ng paaralan sa gawaing ito. Ang nasabing zumba dance activity ay tumagal ng isang oras na nilahukan ng halos lahat ng ating guro sa pangunguna pa rin ni Ms. Malat.

Walang Pasok February 16-18

Ang pagkakaisa ng ating mga guro para zumba dance activity ay isa lamang patunay ng didekasyon nila at ng ating paaralan na isulong ang pagkakapantay-pantay ano man ang kasarian. Pagkakapantay-pantay tulad ng ipinapahiwatig ng tema ng National Women’s Month, “We Make Change Work for Women“. Ayon sa Philippine Women Commision, ang pagbibigay ng sapat na pagkakataon sa ating mga kababaihan ay reresulta ng kanilang masiglang pakikibahagi sa ating lipunan at hanapbuhay. Ganun din naman ang pagsisikap ng ating paaralan upang mas mabigyang pansin ang pagsulong ng pagkakapantay-pantay at pangangalaga karapatan ng bawat isa.

Scroll to Top