Eskwelahanan (Home Learning Space Kit) natanggap ng 10 Batang Alapenyo

Eskwelahanan (Home Learning Space Kit) – Alapan 1 Elementary School

Bilang bahagi ng mas maigting napagsisikap ng ating Schools Division of Imus City sa pagkatuto ng ating mga mag-aaral, ipinamahagi ng ating paaralan ang Eskwelahanan Learning Space Kit sa sampung Batang Alapenyo. Ayon sa inilabas na Division Memo. 125 s. 2022, “The Home Learning Spaces Program is an offshoot of Brigada Eskwela that aims to bring together education partners and experts to help all learners and their families create a quality and conducive learning space at home.”

Ang ipinamigay na Learning Space Kit ay magiging daan ito para sa mas maayos na pag-aaral ng 10 Batang Alapenyo sa loob ng kanilang tahanan. Ito ay pagbibigay suporta sa programang Sulong EduKALIDAD, Bawat Bata Bumabasa at Brigada Pagbasa ng ating Kagawaran ng Edukasyon. In line with the Department’s Sulong EduKalidad and programs on literacy such as Bawa! Bala Bumabasa and Brigada Pagbasa, this Office announces the distribution of Eskwelahanan (Eskwelahan sa Tahanan) or Home Learning Spaces kits to 184 identified learner beneficiaries from the 26 public elementary schools. (DM 125 s. 2022)

Ipinamahagi ito sa piling sampung mag-aaral mula sa Kindergarten hanggang ikatlong baitang. Ang mga kit ay galing sa pondo ng External Partnership ng Central Office, Program Support Fund for Partnership and Linkages at Bear Brand. Pinangunahan ang pamamahagi ito ng ating Punong Guro Dr. Divina Narvaez, Administrative Officer Ms. Chris Danielle Magno, GPTA President Mr. Van Christian Dueñas, at ASP Coordinator Ms. Fely Adolfo. Sa ginawang pambungad na pananalita ng ating punong guro, naririnig ang pasasalamat ng Paaralang Elementary ng Alapan Uno sa ating dibisyon at kagawaran sa walang sawang pagtugon sa pangangailangan ng ating mga mag-aaral. Lubos naman ang pasasalamat ng mga magulang at mag-aaral para sa Learning Space Kit na kanilang natanggap.

Division Memo. 125 s. 2022 DISTRIBUTION OF ESKWELAHANAN (ESKWELAHAN SA TAHANAN) OR HOME LEARNING SPACES KITS

Scroll to Top