Fire Safety Seminar – Alapan 1 Elementary School
Bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month, ang Bureau of Fire Protection ay magsasagawa ng iba’t ibang aktibidad para mas maigting na pagkakaunawa ng publiko sa sunog “Kaligtasan sa Sunog: Alamin, Gawin at isabuhay Natin.”
For the whole duration of Fire Prevention Month, the Fire Safety Awareness Campaign will be continuous. Leaflets, posters and other information materials will be distributed in different areas. Lectures on fire prevention, inspection of establishments, testing of fire hydrants, fire disaster emergency evacuation planning, fire drills, monitoring of all hazard operations, identification of fire prone areas and conduct of pre-fire planning to areas identified, caravans and Barangay Ugnayan will be intensified. Said activities will be conducted by all BFP Fire Stations natiowide. (BFP, 2022, https://bfp.gov.ph/bfp-sets-activities-for-fire-prevention-month/)
Ang ating paaralan ay nakiisa sa mga aktibidad na ito, isa na ang ginawang seminar noong ika-22 ng Abril, 2022. Ito ay pangunguna ng ating Punong Guro Cr. Divina Narvaez, SDRRM Coordinator Mr. Arly Flores at SDRRM Asst. Coordinator Ms. Alana Mae Granado kasama ang ating mga guro sa iba’t ibang baitang. Ang seminar na ito ay dinaluhan ng ating mga tagapagsalita mula Bureau of Fire Protection (BFP) na sina SFO3 Lexter G. Encarnacion at FO3 Lee Robert M. Livelo.
Nagsimula ang makabuluhang pagtalakay ito sa pamamagitang na pambungad na pananalita ng ating punong guro. Kung saan siya ay nagpasalamat sa ating mga bisitang mula sa BFP. Gayundin, binigyang diin niya ang kahalagan ng ganitong mga pagtalakay at pagsasanay para sa ating paaralan. Ang mga tinalay sa seminar ito ay ang mga pag-iingat na siyang lubos na pinaliwanag ng ating mga tagapagsalita.









Nagkaroon din na totoong pagsasanay sa pag-apula ng apoy na maaaring magdala ng malaking sunog ang ating mga guro sa tulong ng ating mga bisitang kawani ng BFP. Naranasan na ating mga guro ang tamang paraan sa pag-apula ng apoy sa nasusunog na LPG Tank. Lubos ang pagkatuto ng ating mga guro dahil sa malinaw na pagpapaliwanag ng ating mga tagapagsalita na sinamahan pa ng maayos na pagpapakita ng kanilang tinatalakay.

