Reading Assessment – Alapan 1 Elementary School
Isang pagkakataon upang lubos nating masuri ang resulta ng mga programa ng paaralan para sa Pagbabasa ang ginagawang Reading Assessment. Ito ay nagsimula ngayong araw, ika-25 ng Abril, 2022, sa pangunguna ng ating Parent Supervisor, Rochelle S. Balete. Ang pagpunta ng ating Parent supervisor ay bilang tugon sa sinasaad ng Division Memo. 134 s. 2022. Malugod naman siyang tinanggap ng ating paaralan at sinamahan ng ating Guidance Teacher, Ms. Marlyn Alegro at ng ilan sa mga masisipag na Gurong Alapenyo.
Unang nang nagkaroon ng maikling presentasyon ang ating dalawang nangungunang guro sa mga Programa sa Pagbabasa na sina Ms. Ellaine May Rosales at Ms. Wendy Bataller. Sa presentaryong ito, ay nagkaroon ng maikling pagbabalik-tanaw sa mga naturang programa at ang mga resulta nito. Sinamahan din tayo ng ilan sa magagaling na dalugguro, Mr. Ariel Espartero (Coordinator for Struggling Learners) at ng School ICT sa gawaing ito.






Ayon sa DM 134 s. 2022, ang Division Reading Assessment:
The activity aims to:
a. identify reading levels of learners and skills that need review.
b. identify struggling learners per school to be given intervention
c. promote culture of reading as a key step in closing achievement gaps across all learning areas
d. gain information on what skills have mastered and have not mastered by learners
e. identify schools with no non-reader and give recognition to School Heads and Reading Teachers for this achievement.

Sa pagdating hapon, nagkaroon ng pagpapabasa sa mga bata mula sa una hanggang ikatatlong baitang. Sa mga susunod na araw ay patuloy ang mga ganitong pagsusuri sa kakayahan ng ating mga mag-aaral na Alapenyo. Ang Reading Assessment na ito ay isasagawa sa hindi baba ng 20 mag-aaral ng bawat pangkat ayon pa rin sa DM 134 s. 2022.



Inaasahan na sa pagtatapos ng gawaing ito, magkakaroon ng mas malinaw na magkilala sa mga pagbabagong dulot sa mag-aaral ng iba’t ibang programa sa pagbabasa. Ilan sa mga programang ito ay tinalakay na rin sa ginawang Early Language, Literacy and Numecary (ELLN) Program Implementation Review. Ang galing ng ating paaralan sa pagpapatupad ng mga programang ito ay sinasalim ng natanggap na ating parangal. Patuloy na magsisikap ang ating paaralan para sa Batang Alapenyo, isa na rito ang ginawang Reading Workshop ng ating mga guro at GPTA.
