Alapan 1 ES: Donasyong Premium Accounts ng Grolier Online, natanggap na ng mga Gurong Alapenyo

Grolier Online – Alapan 1 Elementary School
Dahil sa pagbabagong dulot ng pandemiya sa paraan ng pagtuturo ng ating mga guro, ang kanilang pangangailangan sa maaasahang pagkukunan ng impormasyon ay talagang mahalaga. Naituturin na isa sa pinakamahirap na trabaho ng isang guro ang paghahanda ng kanyang mga gagamiting Instructional Matrials or References. Lalo na’t sa kasalukuyang panahon ay mayroong tinatayang hindi bababa sa walong daang libong articles o contents ang makikita sa internet sa bawat paksa na pinag-aaralan sa loob ng klase. Hindi rin maikakailan ang tagal ng oras na nauubos ng bawat guro sa paghahanap pa lamang ng kanilang pagkukunan ng impormasyon tungkol sa paksang tatalakayin.

Kaya isang napakalaking tulong ang donasyong natanggap ng ating paaralan mula sa Grolier Oniline. Ang donasyong ito ay magbibigay ng free access sa bawat Gurong Alapenyo sa libo-libong references at multimedia content na magagamit sa paghahanda ng kanilang tatalakaying paksa.

Ano nga ba ang Grolier Online?

Ayon sa Thrall.org, “Grolier Online is an integrated reference portal with two interfaces: Grolier Online Kids for children in grades 3 to 5, and Grolier Online Passport, for older children and adults. With over 55 million words, 50,000 websites, and several hundred thousand magazine articles, finding authoritative, age-appropriate and subject-specific information is easy. Users have access to award-winning databases, special features, multimedia presentations, an interactive atlas, dictionaries, and much more. Grolier Online provides resources tailored specifically for teachers and students, all contained within a structured and monitored environment.”

Walang Pasok February 16-18

Ang pagtanggap sa donasyong Premium Accounts na ito ay pinangunahan ng ating Adopt-a-School Program (ASP) Coordinator, Ms. Fely Adolfo kasama ang ating Administrative Officer, Ms. Chris Danielle Magno. Malugod na tinanggap ng ating paaralan ang ating mga bisita mula sa Grolier Inc. noong ika-25 ng Abril, 2022. Nagbigay sila ng maikling pagtalakay tungkol sa Grolier Online at mga inaasahang pakinabang nito para sa ating mga guro.

Nagpakita rin sila ng isang makabuluhang presentasyon sa mga nilalaman ng Grolier Online na siayng nagpasabik sa ating mga guro na masubukan ang paggamit nito. Tinulungan din ng ating mga bisita ang bawat guro sa ginawang account registration para sa resources portal na ito. Lubos na pagpapaabot ng pasasalamat ang ating paaralan para dito na makakatulong sa mas pagpapaigting ng kalidad ng edukasyong ating binibigay sa Batang Alapenyo.

Scroll to Top