2022 Brigada Eskwela National Kick-Off and Advocacy Campaign

Mga Ka-Brigada, halina’t sama-sama muling magbayanihan! Ipakita ang suporta sa pagsisimula ng Brigada Eskwela 2022 “Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral,” gamitin ang Facebook profile frame sa ibaba. Pindutin lamang ang frame o pumunta sa https://www.twibbonize.com/deped2022be

Ngayong darating na Lunes, Agosto 1, lahat ay iniimbitahan ng Kagawaran ng Edukasyon na makiisa sa 2022 National Brigada Eskwela Kick-off sa pangunguna ng SDO Imus City sa Imus Pilot Elementary School.

Panoorin ang livestream ng programa sa opisyal na Facebook page, YouTube channel, at website ng DepEd Philippines, 8:30 AM. Ang programang ito ay mapapanood din sa ating Facebook Page (DepEd Tayo – Alapan 1 ES) at Website (https://alapan1es.com)

2022 Brigada Eskwela National Kick-Off Live Stream

Sa ilalim ng temang “Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral,” ang pagsasagawa ng Brigada Eskwela mula Agosto 1-26, 2022 ay bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase na nakatuon sa pagpapatibay ng partnerships sa pagitan ng DepEd at sa stakeholders nito upang kilalanin ang pangangailangan ng mga Pilipinong mag-aaral, na titiyak sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon para sa lahat.

Para sa iba pang detalye kaugnay ang school calendar ngayong SY 2022-2023, basahin ang DepEd Order No. 34, s. 2022. (Source: DepEd Philippines Facebook Page)

Alapan 1 ES ay nakikiisa sa Brigada Eskwela

Ang Alapan 1 Elementary School ay nag-aanyaya sa ating mga guro, magulang at iba pang organisasyon na maiisa sa gaganaping Brigada Eskwela. Ang gawaing ito ay isang programang isinasagawa ng Kagawaran ng Edukasyon para bigyang daan ang pagkakaisa’t pagtutulungan upang maihanda ang ating mga pasilidad pangpaaralan. Kinakailangan ang paghahanda na ito para sa ikabubuti ng pagsisimula ng ating susunod na pasukan. Sa ganitong pagkakataon nabibigyang pansin ang pagsisikap ng mga magulang at guro sa paglilinis at pagsasaayos ng ating mga silid-aralan at iba pang pasilidad.

Sa mga nais na aktibong makapagbahagi sa ating Brigada Eskwela at makatulong sa ating lubos na paghahanda sa pasukan, maaaring makipag-ugnayan sa aming mga guro o mag-iwan ng mensahe sa admin@alapan1es.com.

(Source: Brigada Eskwela 2022, magsisimula na!)

Leave Comments Here

Scroll to Top
%d