DSWD, magsisimula na sa mamigay ng Educational Cash Assistance

DSWD Educational Cash Assistance – Alapan 1 Elementary School

Ang Department of Social Welfare and Development ay nagpahayag na handa na itong magbigay ng kanilang Educational Cash Assistance sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS). Ang Educational Assistance ng DSWD ay ibibigay sa mga mag-aaral ng Elementarya, High School at Kolehiyo.

TingnanOnline Registration o Application para sa DSWD Educational Cash Assitance

Ayon sa payahag ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na magsisimula silang mamigay ng Educational Assistance sa darating na sabado, August 20, 2022. Sinabi rin niya na ang ganitong pamimigay ng Educational Cash Assistance ay gagawin sa mga susunod pang sabado, Agosto 27, Setyembre 3, 10, 17 at 24.

“Magsisimula ang Educational Assistance payout dito sa Central Office ng Kagawaran sa darating na Sabado, ika-20 ng Agosto 2022 at sa mga susunod na Sabado – Agosto 27, Setyembre 3, 10, 17 at 24, mula alas-7 ng umaga.” pahayag ni Sec. Tulfo sa isang Facebook post.

“Samantala, isinasagawa naman sa mga Field Offices ng Kagawaran ang distribusyon para sa mga nasa probinsiya kasabay ang iba pang tulong sa ilalim ng programang AICS,” pahayag ng Kalihim.

Papaano kaba nakakakuha nitong Educational Assistance? Maaari kang pumunta sa Central Office ng DSWD o kaya naman sa mga DSWD Field Offices sa inyong inyong lugar. Gayundin, maaari mo ring i-email ang iyong request sa ciu.co@dswd.gov.ph at antayin ang kanilang text confirmation para sa lugar at araw ng iyong pay-out. Huwag din kalimutan na dalhin ang iyong school ID o Enrollment Form o anumang dokumento na magpapatunay na enrolled ang bata. Maaaring makatanggap ng Educational Assistance ang hanggang 3 sa mga anak sa loob ng isang pamilya.

SRI 2025

Also Read: DSWD, nanawagang “No Walk-in” sa pamamahagi ng Educational Cash Assistance (deped-news.com)

Mga Kwalipikado sa DSWD Educational Assistance

Ang mga mag-aaral na maaaring makatanggap nito ay ang mga sumusunod:

  • breadwinners,
  • working students,
  • Ulila o inabandona na nakikitira sa kamag-anak
  • anak ng solo parents,
  • walang trabaho ang magulang
  • anak ng OFWs,
  • anak ng biktima ng HIV
  • biktima ng pang-aabuso
  • biktima ng sakuna o kalamidad

Tingnan: Online Registration o Application para sa DSWD Educational Cash Assitance

Matatanggap na Halaga

  • Elementary Learner – 1,000 pesos
  • Junior High School Learner – 2,000 pesos
  • Senior High School Learner – 3,000 pesos
  • Vocational/ College Learner – 4,000 pesos

(Source: DSWD Facebook Post, 8:00 PM August 17, 2022)

Scroll to Top