Menu Close

Earthquake Drill 2023: Alapan 1 ES, laging handa sa sakuna

National Simultaneous Earthquake Drill 2023

Sa nakaraang mga araw nabalot ng kalungkutan ang mundo sa mga balita kaugnay ng malakas na lindol na tumama sa Syria at Turkey. Sa pangyayaring ito napakita ang kahalagahan ng kahandaan ng lahat sa mga ganitong sakuna. Sa ganitong dahilan, kaya nagsisikap ang ating Kagawaran ng Edukasyon sa palagiang pagsasagawa ng pagsasanay sa mga bata, guro at iba pang kawani ng paaralan sa pagharap sa ganitong sitwasyon. Isa na rito ang isinagawang National Simultaneous Earthquake Drill 2023 noong ika-9 ng Marso.

Ang pagsasanay na ito ng Alapan 1 Elementary School ay pinanguhan ng ating Punong Guro Dr. Divina Narvaez kasama ang ating mga guro. Sa patnubay ng ating School Disaster Risk Reduction and Management Coordinator Mr. Arly Flores at Assistant Coordinator Ms. Alana Mae Granado, kung saan ipinaliwanag nilang ang mga gagawin sa nasabing earthquake drill.

Ganap na ikasiyam ng umaga nang nagsimula ang nasabing pagsasanay. Makikita ang kahandaan ng bawat mag-aaral, guro at ibang pang kawani ng paaralan sa mga dapat gawin kung magkakaroon ng lindol. Hindi rin nawala ang pagpapamalas ng Boy Scouts at Pupil Supreme Government sa kanilang ginawang mock rescue sa kapwa mag-aaral.

Read: “Ligtas ang May Alam”: 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2022

Tulad ng nakaraang ibang Quarterly NSED, binigyang diin pa rin ng ating SDRRM Assistant Coordinator ang kanyang komento “Ang bawat drill na isinasagawa natin ay isang paraan ng paghahanda ng bawat isa para sa lindol na patuloy nating isinasakatuparan. Nakakaaranas man tayo ng iba’t-ibang pagsubok ngunit patuloy pa rin tayo sa paghahatid ng kalidad na kaalam sa ating mga batang Alapenyo sa iba’t ibang modalities na mayroon ang ating paaralan.”

Play Games for Free and Earn Cash

Ang ating paaralan ay patuloy na magiging daan upang mas maiparating natin sa mas marami pang tao ang mga ganitong kaalaman tungo sa pag-iingat ng bawat isa. Tulad ng palagi sinasabi ng ating SDRRM Coordinator, Mr. Arly Flores “Ligtas ang May Alam”.

earthquake drill 2023

Ano ang Quarterly National Simultaneous Earthquake Drill 2023 (NSED)?

Ayon sa Memorandum No. 08, s. 2021 ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na may pamagat na “Conduct of the CY 2021 Quarterly National Simultaneous Earthquake Drill”, lahat ng School Division Offices at lahat ng pampublikong paaralan ay inaanyayahang makiisa sa pagsasagawa ng 2021 Quarterly National Simultaneous Earthquake Drill. (Deped Imus City – DM No. 85 s. 2021)

Naging binibigyang diin ng NDRRMC, “The fundamental objective of the Philippine Quarterly National Simultaneous Earthquake Drill is to promote earthquake awareness among Filipinos and to integrate ground-up initiatives in preparing for disasters. Government authorities became aware of the need to prepare Filipinos to better cope with earthquakes.”

Download: National Simultaneous Earthquake Drill 2022 and Disaster Readiness Campain Material

This post was proofread by Grammarly
Posted in School Activities, School News, SDRRM