Epson Printer Paper Out Error (SOLVED)

Sa panahon ngayon karamihan sa ating trabaho ay nakatuon sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya. Kaya’t ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagsasaayos nito ay mahalaga. Naranasan mo na ba na masira ang iyong printer “Epson Printer Error: Paper Out”? Alam mo ba kong papaano ito aayusin? O kailangan mo ng tulong ng isang technician? Huwag kang mag-alala narito ang iyong gagawin para maayos ang iyong problema.

Epson Printer Error: Paper Out

Ang iyong Epson Printer ay naglalabas ng Epson Paper Out Erorr kahit na mayroon nakalagay na papel sa iyong paper feeder. Awtomatiko ring nag-print ang mga randomize charaters sa isang papel tuwing ikonekonekta mo ang printer sa iyong computer. Narito ang mga dapat mong gawin:

  1. Una, i-run ang iyong printer troubleshooter para masigurado na walang mali sa printer driver na kasalukuyang mong ginagamit. Para gawin ito, i-type ang “Printer and Scanners” sa windows search bar. Buksan ang unang resulta, pagdating sa Printer & Scanners window, piliin ang iyong printer na nagkakaroon ng problema at pindutin lamang ang options nito para makita ang troubleshooter.
  1. Subukan uli na paganahin ang iyong printer para malaman kung naayos ang problema sa pamamagitan ng troubleshooter. Kung sakaling hindi naayos ang naturang problema, ang sunod na gagawin ay ang pag-reinstall ng epson printer driver. Para gawin ito, pumunta lamang sa iyong programs sa pamamagitan ng pag-type sa search bar ng “Add or remove programs”. Buksan ito at hanapin ang itong printer na mayroong problema.
  2. Pindutin ang options ng iyong printer at i-run ang uninstall.
  1. Pagkatapos na ma-install ang dating printer driver, mag-download ng panibagong driver installer sa https://epson.com/ at i-run ito.

Matapos na gawin ang mga hakbang sa itaas, ngunit, hindi pa rin nawawala ang problema. Mainam na humingi ng tulong sa printer technician para sa mas advanced na pag-aayos.

Walang Pasok February 16-18

Scroll to Top