Limited Face to Face ng Alapan 1 ES tuloy sa pag-arangkada, Tinabunan ES at Pasong Santol ES sumunod na nagkaroon ng Benchmarking

Face-to-Face Classes Benchmarking – Alapan 1 Elementary School

Sa pagpapatuloy ng ang Expanded Limited Face-to-Face Classes sa ikatlong linggo nito, unti-unti nang nagiging bahagi ng kultura ng paaralan ang mga gabay sa tamang pagsasagawa ng ganito pagtuturo. Makikita ang pagsisikap ng mga mag-aaral na matuto sa kanilang masigla at maagang pagpasok. Ang kanilang pagkasabik na matuto ang nagbibigay inspirasyon sa ating mga guro na patuloy na mapabuti ang kalidad ng bawat edukasyon. Hindi rin matatawaran ang sipag ng lahat ng kawani ng atin paaralan sa pagpapanatili ng kaligtasan at tamang pag-ingat sa COVID-19.

Isang malaking karangalan para sa Alapan 1 Elementary School ang maging huwaran ng iba sa pagsasagawa ng Expanded Limited Face-to-Face Classes na pinagsisikapang mapabuti ng Kagawaran ng Edukasyon – Lungsod ng Imus. Ang ganitong pagtuturo ay nangangailangan na masusing paghahanda. Upang mabigyan ng sapat na kalaman ang ibang paaralan sa tungkol sa Limited Face-to-Face Classes, naging bukas ang Alapan 1 Elementary School sa kanila upang tingnan ang mga naging paghahanda ng ating paaralan at maging halimbawa.

Noong nakaraang ika-24 ng Pebro, 2022, nagkaroon ang Tinabunan Elementary School ng benchmarking sa ating mga pasilidad at paraan para sa matagumpay na pagpapatupad ng Face-to-Face Classes. Nagagalak silang sinamahan sa paglilibot sa buong paaralan ng ating Punong Guro, Dr. Divina Narvaez at Face-to-Face Implementation Lead Focal Person, Mr. Arly Flores. Ipinakita sa kanila ang pagkakaayos ng bawat silid at ng buong paaralan bilang pagtugon sa mga pangangailan ng Face-to-Face Classes.

Sinundan naman ito ng Pasong Santol Elementary School noong ika-1 ng Marso, 2022 na dinaluhan ng ilan nilang guro kasama ang kanilang napakasigap ng Punong Guro, Manuel R. Tagbago. Sila’y dumating sa ating paaralan ng tanghali at pansamatalang pinatuloy sa Tanggapan ng Punong Guro habang kasalukuyang magkakaroon rin ng benchmarking ang ibang paaralan. Nang magsimula ang Pasong Santol 1 Elementary School sa kanilang paglilibot, sila ay sinamahan ng ating napakasipag na Lead Focal Person, Mr. Arly Flores. Namangha ang ilan sila sa ganda ng naging paghahanda ng ating paaralan. Higit sa lahat, napansin nila ang pagpapanatili ng kaayusan ng bawat silid at ang ligtasan nito sa COVID-19.

Watch: Galaw Pilipinas: Calisthenics Exercise Program

Ang pagbibigay buhay sa kwentong ito ay bahagi ng mas pinalawak na pagtuturo ng Alapan 1 Elementary School. Ginagamit ang ganitong pamamaraan bilang kampanya na bahagi ng BaBiBu at Sulong EduKalidad ng Kagawaran ng Edukasyon at Dibisyon ng Lungsod ng Imus.

Read: About the Value of Education and Training in the country’s development

Perhaps the most pressing challenges the school faces are that of ensuring that all learners become competent readers. Learners who experienced problems in reading quickly fall behind their more skilled classmates in their ability to decode and comprehend text. The initiative is in response to the rapidly changing learning environment of present and future learners and will introduce aggressive reforms to globalize the quality of basic education in the Philippines.

This post was proofread by Grammarly
Scroll to Top