Alapan 1 ES Information and Communications Technology, pinagbuti ang Internet Connectivity ng Paaralan

Isang hamon para sa ating mga guro ang maitawid ang isang maayos at epektibong pagkatuto ng ating mga mag-aaral sa panahon ng pandemiya. Bilang tugon dito, ang ating paaralan ay naglalayong maibigay ang lahat ng kinakailangan ng bawat guro sa kanilang pagtuturo. Isa na rito ang pagkakaroon ng sapat at maaasahang internet connectivity sa loob ng paaralan.

Bilang bahagi ng pangako ng Kagawaran ng Edukasyon na patuloy na pagbutihin ang pagtuturo at pag-aaral para sa kapakanan ng mga mag-aaral ng Pilipino, ibinahagi ng Department of Education (DepEd) ang plano nitong ibigay sa bawat paaralan sa bansa na may internet connectivity.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Administration Alain Pascua “We are eyeing the implementation of the DepEd Internet Connectivity Program which will be first implemented in five pilot regions. We have allotted P1 billion fund for the said program and we’ll be trying all platforms and devices to deliver internet connectivity to schools such as broadband, satellite, etc”

Internet Infrastracture ng Alapan 1 Elementary School

Una nang nagkaroon ng mas maigting na kampanya ang School ICT sa paggamit ng Linkod Kabitenyo ng ating mga guro, mag-aaral at magulang. Upang malaman kung paano magagamit ang Linkod Kabitenyo sa mainam na basahin ang ginawang blog ng School ICT tungkol dito. Ngunit, dahil sa direktibang ng ating Kagawaran nakaramihan sa guro at kawani nito ay inaasahang gagawin ang kanilang trabaho sa loob ng paaralan. Ang Alapan 1 Elementary School, sa pangunguna ng ating Punong Guro Dr. Divina Narvaez at sa tulong ng School ICT, nagkaroon ng pagpapaunlad sa ating Internet Connectivity.

Ang pagpapaunlad na ito ay isinagawa ng ating ICT Coordinator Alvin L. Bedes at Brigada Eskwela Focal Person Daniel T. Din, kasama ang ilan sa ating Utility Workers. Naging possible ang pagpapabilis at pagpapaganda ng ating internet sa tulong ng ating Adopt-a-School Program (ASP) sa kanilang binigay na bagong 2 na1000 mbps internet switches, 6 na 100 mbps internet hubs at 5 access points.

Bago pa nagkaroon ng ganitong proyekto ang School ICT, ang karaniwang bilis ng internet sa ating paaralan ay 5-20 mbps. Ito ang isa sa pangunahing problema na kinakaharap ng ating mga guro sa paggawa ng kanilang trabaho sa paaralan. Sa pagsisikap ng ating paaralan nagkaroon tayo ng mas accessible at averagely stable connection. Kung saan 75% ng ating paaralan ang naaabot ng wireless connection at higit 20 silid-aralan na mayroong wired connection.

Sa hinaharap, umaasa ang ating School ICT na mawala ang wireless connection (WiFI) deadspot sa ating paaralan, kaya nanawagan ang ating ICT sa mga guro o sa mga nais magbigay ng kanilang lumang o hindi ginagamit na router (maaaring postpaid o prepaid router) para gawing access point ng ating wireless internet. Ganun din ang pagnanais nating malagyan ng wired internet connection ang mas marami pang silid-aralan.

This post was proofread by Grammarly
Scroll to Top