Menu Close

Turn-over Ceremony ng Bagong School Clinic sa pangunguna ng ating butihing Mayor Emmanuel Maliksi

Noong ika-20 ng Hunyo 2022, isang nakagagalak na araw na mapuntahan ng ating butihing alkalde na si  Mayor Emmanuel L. Maliksi ang Paaralang Elementarya ng Alapan 1. Ito ay upang pasinayaan ang Blessing and Turn-over Ceremony ng bagong School Clinic ng paaralan na kaloob ng City Government. Ganap na ika-1 ng hapon sinimulan ang isang maikling palatuntunan kasama ang butihing Mayor Emmanuel Maliksi at ilan sa mga kawani ng Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Lungsod ng Imus. Ang ating Chief Education Supervisor Ivan Honorpette A. Mijares (School Governence and Operations Division) kasama si Engr. Jay Darius M. Montealegre.

Dahil ang School Clinic ay isa sa pangangailangan ng ating paaralan para matugunan ang pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga mag-aaral. Ang pagpapatayo nito ay napapanahon lalo na’t patuloy pa rin tayo sa ating laban sa COVID-19.

Ang ating Punongguro, Dr. Divina Narvaez ay nagpaabot ng papasalamat sampu ng bumubuo ng paaralan sa ating butihing Punong Lungsod. “Maraming salamat po at sa kabila po ng inyong hectic schedule nariyan po kayo palagi para sa Edukasyon at ikauunlad ng mga mag-aaral. Alam kong una sa puso n’yo po iyan.” ang pagbati niya.

Nagkaroon din nang pagkakataon ang ating SGOD Chief Ivan Honorpette A. Mijares na maipaabot ang pasasalamat ng Schools Division ng Lungsod ng Imus. Isang pasasalamat para sa mga bagong pasilidad na pinatayo ng ating City Government hindi lamang sa Paaralang Elementarya ng Alapan 1 at maging sa iba pang paaralan sa lungsod.

May mga salitang binitawan si Ma’am Divina Narvaez na talagang lahat po tayo ay sumusang-ayon. Una po doon, “Walang hiniling sa butihing alkalde na hindi niya binigyang katuparan, hindi lamang po ang Alapan 1 Elementary School kundi lahat po ng mga paaralan sa lungsod pati na ang Schools Division ng Imus City.”

Sa pagharap ng ating punong lungsod sa mga guro, mga opisyal ng GPTA at iba pang kawani ng paaralan ay binigyang diin niya ang kahalagahan ng ating pagkakaisa para sa mga mag-aaral. “Maraming salamat sa ipinakita ninyong pagtulong at pakikiisa sa atin at sana ipagpatuloy natin yan. Kasi ang pinakamahalaga ay ang mga bata at ang pagkatuto nila.” ayon sa ating butihing Punong Lungsod.

Sa pagtatapos ng maikling programa, pinangunahan ni Pastor Elmer Videna at Pastor Zosimo Peji ang isang panalangin para sa bagong pasilidad ng paaralan. Ito sinundan ng ribbon cutting na isinagawa ng ating butihing mayor kasama ang ating SGOD Chief at Punong Guro.

Leave Comments Here