Assistance to Individuals In Crisis Situation (AICS) ay isa sa mga social welfare services ng DSWD na nagbibigay ng tulong medikal, pampalibing, transportasyon, edukasyonal, pagkain, o tulong pinansyal para sa iba pang support services o pangangailangan ng isang tao o pamilya. Kasama din ang pamamahagi ng personal protective equipment o PPE sa mga Pilipinong nangangailangan at nahaharap sa krisis.
Layunin ng Programa na Assistance to Individuals In Crisis Situation (AICS)
Layunin AICS Program na tulungan ang mga mahihirap nating kababayan na sumasailalim sa krisi upang matugunan sa aknilang mga pangangailangan.
Para sa karagdagang kaalamanan kung papaano makakuha ng tulong mula sa AICS, basahin mga infographics sa ibaba. Maarin din makipag-ugnayan sa Crisis Intervention Unit sa mga DSWD Field Offices.
Iba’t ibang Tulong na binibigay sa ilalim ng Assistance to Individuals In Crisis Situation (AICS) ng DSWD
Ang programang ito ay nagkakaloob ng iba’t ibang tulong pinansyal o iba pang pangangailangan sa mga indibidwal na kwalipikado ayon sa mga kinakailangan ng AICS. Ang mga tulong na ito ay:
- Medical Assistance
- Funeral Assistance
- Transportation Assistance
- Educational Assistance
- Food Assistance
- Cash Assistance for Other Support Service
Proseso sa Paghingi ng Tulong o Assistance sa DSWD sa ilalim ng AICS
Ang proseso sa pag-apply sa programang ito ng Department of Social Welfare and Development ay may tatlong bahagi kung saan susuriin ang mga requirements at ang mismong kliyente.
Ang una rito ay ang screening kung saan titingnan ang mga sumusunod:
I. Masuri kung ang kliyente ay may record na sa DSWD at maaari na muling makahingi ng tulong sa batay sa isinasagawang crossmatching;
II. Mabigyan ng gabay sa proseso, mga kinakailangang dokumento, at kung saan maaaring iproseso ang kanyang hinihiling na tulong (CIU/CIS/SWAD Office);
III. Mabigyan ng sapat na panahon ang kliyente na makakuha at makakumpleto ng kanyang mga kinakailangan na dokumento.
Susunod dito ang Interview/Assessment, na naglalayon namang malaman ang ilan sa mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kliyente:
I. Kung karapat-dapat bang makatanggap ng tulong ang kliyente;
II. Uri ng tulong na maaaring ipagkaloob batay sa aktwal na pangangailangan ng kliyente ayon sa kanyang interview at assessment at maging sa kanyang mga ipinasang dokumento; at
III. Kung karapat-dapat mabigyan ng pinansyal na tulong, ang halaga ng assistance na irerekomenda at ipapa-apruba, na batay rin sa aktwal o karagdagan na mabibigay ayon sa mga ipinakitang mga dokumento, na may pagsasaalang-alang sa pondo na mayroon ang programa.
Ang panghuli ay ang pagbibigay ng mismong tulong sa kwalipikado at aprubadong kliyente. Para sa buong detalye tungkol sa proseso ng Assistance to Individuals In Crisis Situation (AICS), pindutin ito.

