Proseso ng Pag-apply sa Assistance To Individuals In Crisis Situation (AICS) ng DSWD

Proseso ng Assistance To Individuals In Crisis Situation – Alapan 1 Elementary School

Upang makatanggap ng tulong mula sa DSWD, kinakailangan na sumailalim ang mga kliyente sa Screening, Interview o Assessment, at Releasing. Depende sa uri ng kliyente at kung saan siya humihiling ng tulong, narito ang mga hakbang upang sila ay lumapit at mabigyan ng tulong sa ilalim ng programang AICS:

Proseso ng Assistance To Individuals In Crisis Situation (AICS)

Unang Hakbang sa Proseso ng Assistance To Individuals In Crisis Situation: Screening

a. Personal at Remote. First time/walk-in ang mga aplikante na walang ideya o hindi pamilyar sa proseso ng paghingi o pag-apply ng assistance o tulong, mayroon o walang dokumentong dala batay sa mga nakalista, ay maaari nang dumiretso sa personal screening sa ilalim ng Unang Hakbang.

Kung matapos ang screening process at ang kliyente ay sumadya lamang upang magtanong ng mga detalye, at/o walang tama, kumpleto, valid, o tunay na dokumento bilang suporta sa kanyang hiling na assistance, siya ay bibigyan ng panahon na makakuha o makumpleto ng kanyang mga kinakailangan dokumento at compliance slip na nagsasaad ng petsa o schedule kung kailan siya maaaring bumalik upang maproseso ang kanyang hiling na tulong.Sa mga ganitong kaso, hindi na muling daraan sa Unang Hakbang ang kliyente at diretso na sa susunod na hakbang.

Ikawalang Hakbang sa Proseso ng Assistance To Individuals In Crisis Situation: Interview/Assesment

a. Ang mga sumusunod na kliyente ay maaari nang tumungo sa STEP 2:
I. Lahat ng first time/walk-in ng mga kliyente na personal na na-screen at natukoy na may tama, kumpleto, valid, at may dalang mga tunay na kinakailangang dokumento; o
II. Kliyente na na-screen sa pamamagitan ng tawag/video call at nabigyan ng iskedyul kung kailan nila maaaring ma-proseso ang kanilang hiling na tulong.

b. Sa STEP 2, iinterbyuhin at ia-assess ng DSWD Social Worker ang kliyente at susuriin ang kanyang mga dalang dokumento upang malaman ang mga sumusunod:
I. Kung karapat-dapat bang makatanggap ng tulong ang kliyente;
II. Uri ng tulong na maaaring ipagkaloob batay sa aktwal na pangangailangan ng kliyente ayon sa kanyang interview at assessment at maging sa kanyang mga ipinasang dokumento; at
III. Kung karapat-dapat mabigyan ng pinansyal na tulong, ang halaga ng assistance na irerekomenda at ipapa-apruba, na batay rin sa aktwal o karagdagan na mabibigay ayon sa mga ipinakitang mga dokumento, na may pagsasaalang-alang sa pondo na mayroon ang programa.

Ayon na rin sa mga nabanggit, maaari ring bigyan ng psychosocial intervention o case management ng Social Worker kung ito ay makikita na kinakailangan ng kliyente.

Walang Pasok February 16-18

Ikatlong Hakbang sa Proseso ng AICS: Releasing

Matapos ang STEP 2, ang lahat ng kliyente na maa-assess na kwalipikado at aprubado na makatanggap ng assistance ay maaari nang tumuloy sa STEP 3 para sa release ng:
I. Financial Assisstance – maaari nang lumipat sa Regular Disbursing Officer/s ng FMS/U o sa nakatalagang disbursing officer para cash o salapi, o CIU/CIS/SWAD Office para sa guarantee letter (GL), o ticket booking, kung transportasyon assistance ang hinihiling; o
II. Material Assistance – lumapit sa CIU/CIS/SWAD Team Leader or kung sinumang nakatalagang kawani.

Iba’t ibang Tulong na binibigay sa ilalim ng Assistance to Individuals In Crisis Situation (AICS)

Ang programang ito ay nagkakaloob ng iba’t ibang tulong pinansyal o iba pang pangangailangan sa mga indibidwal na kwalipikado ayon sa mga kinakailangan ng AICS. Ang mga tulong na ito ay:

  1. Medical Assistance
  2. Funeral Assistance
  3. Transportation Assistance
  4. Educational Assistance
  5. Food Assistance
  6. Cash Assistance for Other Support Service
Scroll to Top