Menu Close

Issue ng “LOADED” na Trabaho ng Teachers, aayusin na! | DepEd

teachers loaded issue

Isa ka rin ba sa araw-araw na pagod na pagod umuuwi ng bahay? Ang issue ng “LOADED” na trabaho ng mga teachers ay ilang taon nang hindi nabigyan ng pansin. Matagal nang kahilingan ng mga guro ang pagbabawas sa kanilang trabaho. Masasabi ngang ang pagiging guro lalo na sa isang pampublikong paaralan ay isa sa pinakamabigat na uri ng trabaho sa ating bansa. Hindi maubusan sa gawain ang bawat guro sa dami ng kailang reports, training at karagdagang trabaho liban sa pagtuturo.

Ngunit, ito lamang araw ay naglabas ng pahayag ang tagapagsalita ng Kagawaran ng Edukasyon sa kanilang pagsisikap na tingnan ang lahat na mga maaaring gawin ukol dito. Hangarin ng Kagawaran na pagaanin ang gawain ng mga guro at mas pagtuunan ng pansin ang kanilang kapakaan tulad nang sa mga mag-aaral. Isa sa mga nakikita nilang solusyon ang pagsasaayos ng bilang ng guro sa bawat paaralan kung saan mas bibigyan pansin ang pagkakaroon ng nararapat na bilang ng guro batay sa pangangailan.

Tingnan: Daily Lesson Log: DLL Week 4 of Quarter 1 for All Grade Levels September 12-16, 2022

Ano ang nakikitang solusyon ng DepEd sa Issue ng “LOADED” Teachers

Tinukoy ng tagapagsalita ng Kagawaran na may mga paaralan na sobra ang bilang ng guro habang ang iba’y nagkukulang naman. Ayon kay DepEd Spokesman Michael Poa, alam nila ang nasabing suliranin habang nakarating na rin sa kanila na may mga paaralan namang sobra ang mga guro.

“Diyan naman po sa teachers, we understand the situation, actually it was the topic in the mancom this week, mayroon po talaga mga teachers na medyo loaded, meron din schools na mayroong excess,” ayon kay Poa. Kaya isa sa nakikitang solusyon sa problemang ito, ayon sa Kagawaran, ang paglilipat sa mga excess teacher ng ibang paaralan sa mga nangangailangan sa kanila.

“Doon po sa schools na may excess na teaching staff ay subject to rules on transfer, kung papayag po sila, we transfer these teachers doon sa may kakulangan,” dagdag pa ni Poa.

Other Resources

Leave Comments Here